My Photo

December 2007

Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
            1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31          
Powered by Friendster Blogs

« a dose of elections | Main | at the office »

Kapalmuks

TSK, TSK TSK. . . . .

May pwede bang magpaliwanag sa akin kung paano nangyari yun?

Nagsara na ang 13th Congress nang hindi man lang naipasa ang mahahalagang batas gaya ng Cheaper Medicines Act at Human Rights Compensation Act.

At may gana bang ipagmalaki ni Gloria ang mga kaalyado niya sa Kongreso para sa pagpapaunlad ng ekonomya?

Pinatunayan lang nila na walang kwenta ang Mababang Kapulungan.

Magkita-kita na lang ang lahat sa susunod na buwan para sa SONA. Kapal talaga ng mukha ni Gloria. Punta-punta pa sa Vatican. Malinaw naman ang diskontento ng mamamayan sa kanya, gaya ng resulta ng eleksyon noong Mayo. Wala nang kredibilidad, may gana  pang pumostura at suportahan ang mga tulad ni Pichay.

Isa pang makapal na mukha tong si Pichay. proud pa rin daw siya at pang-16 siya sa sa mga tumakbo para sa Senado. ikinumpara pa niya ang sarili kina Lincoln at Nixon na natalo sa eleksyon sa unang pagtakbo pero nagwagi bilang pangulo. so anong ibig sabihin nun? tatakbo siya ng pangulo sa 2010. as if, mananalo siya?

kadiri talaga mga pinuno natin. kaya tuwa ako na nakapasok si Trillanes, Escudero at Cayetano. at least may pag-asa ba. pero syempre wala pa rin sa kanila ang pagbabago kundi nasa atin.

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .